Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang presscon sa Taguig na sinunod niya ang payo ni Senador Antonio Trillanes na magpasuri sa isang psychiatrist.
Biro ni Duterte, sinagot niya ang mga tanong at kumuha ng aptitude test. Sinabi sa kanya ng psychiatrist na nasa ‘Stage one’ palang ang sira ng kanyang ulo.
“‘Yung isang pasyente ko, stage three.’ Sabi ko, ‘Sino siya, doc?’ ‘Di si Trililing. Kaya nga Trililing tawag eh,'” sani ni Duterte.
“Di sabi ko. ‘Doc, paano ko malaman na stage three rin ako?’ Sabi niya, ‘When you act like Trillanes for what is he doing now, stage three ka na.’ Sabi ko, ‘Ay salamat. Malayo pa pala ako,'” dagdag ni Duterte.